Posts

Showing posts from June, 2021

TEKNOLOHIYA ANG SOLUSYON SA GITNA NG PANDEMYA

Image
Marami ang lubos na naapektuhan sa ating kasalukuyang kinakaharap na pandemya hindi lang sa ating bansa ngunit maging sa buong mundo tulad ng pampubliko at pangpribadong kumpanya, mga paaralan, kabuhayan pati na rin ang mga tao sa sanlibutan.  Dahil sa kaganapang ito ay minabuti ng ating pamahalaan na ipasara at ipagpaliban muna ang pagpasok sa opisina at eskwela at huwag lumabas ng ating bahay upang magkwarantin ng ilang buwan upang makaiwas at mabawasan ang mabilis na pagkalat ng sakit na COVID-19 sa ating bansa. Paano nga ba nakatutulong sa atin ang teknolohiya? Teknolohiya ang isang mabisang paraan at solusyon upang magpatuloy ang paghahanap buhay ng mga tao at pag-aaral ng mga estudyate sa gitna ng pandemya. Sa pamamagitan ng radyo at telebisyon ay mabilis na naibabalita o nabibigyan ng impormasyon ang mga mamamayan tungkol sa mga pangyayari sa ating kapaligiran. Dahil sa pag-iwas sa face-to-face at pagtupad sa social distancing ng mga tao, sa pamamagitan ng internet, kompyute...