TEKNOLOHIYA ANG SOLUSYON SA GITNA NG PANDEMYA
Marami ang lubos na naapektuhan sa ating kasalukuyang kinakaharap na pandemya hindi lang sa ating bansa ngunit maging sa buong mundo tulad ng pampubliko at pangpribadong kumpanya, mga paaralan, kabuhayan pati na rin ang mga tao sa sanlibutan. Dahil sa kaganapang ito ay minabuti ng ating pamahalaan na ipasara at ipagpaliban muna ang pagpasok sa opisina at eskwela at huwag lumabas ng ating bahay upang magkwarantin ng ilang buwan upang makaiwas at mabawasan ang mabilis na pagkalat ng sakit na COVID-19 sa ating bansa.
Paano nga ba nakatutulong sa atin ang teknolohiya?
Teknolohiya ang isang mabisang paraan at solusyon upang magpatuloy ang paghahanap buhay ng mga tao at pag-aaral ng mga estudyate sa gitna ng pandemya. Sa pamamagitan ng radyo at telebisyon ay mabilis na naibabalita o nabibigyan ng impormasyon ang mga mamamayan tungkol sa mga pangyayari sa ating kapaligiran. Dahil sa pag-iwas sa face-to-face at pagtupad sa social distancing ng mga tao, sa pamamagitan ng internet, kompyuter o maging cellphone man ay ligtas at malayang nakakapag-usap ang mga tao. Sila rin ay nakakapag-oonline sa pagtitinda ng mga produkto, miting o webinar para sa mga empleyado at online distance learning para sa mga estudyante.
Ito ay ilan lamang sa pagpapatunay na ang teknolohiya ay malaki ang natitutulong sa atin ngayon sa gitna ng pandemya. Ganun pa man ay lagi rin nating tatandaan na ang labis na paggamit ng teknolohiya o kahit ano pa mang bagay ay maaaring magdulot nang masama at ikapahamak hindi lang ng ating sarili ngunit ng ating kapwa. Kaya ang payo ko sa inyong lahat, tayo ay maging wais sa paggamit nito upang ito ay makapagdulot sa atin nang mabuti at magawa o magampanan natin nang tama ang ating tungkulin sa tulong ng teknolohiya.
Makabuluhan ang ibinahaging paksa ng manunulat. Ito ay naaayon sa mga pangyayaring nagaganap ngayon. Tunay ngang nakatutulong ang teknolohiya sa gitna ng pandemya. Maraming salamat sa iyong pagbabahagi.
ReplyDeleteMaganda ang paksa sa editoryal na ito dahil ito ay makikita sa lipunan bilang talamak na isyu. Ako ay mas lalong nahikayat na limitahan ang paggamit ng teknolohiya dahil ang subrang paggamit nito ay nakakasama.
ReplyDeletemaayos at maganda ang pagpapaliwanag sa paksa ng blog na ito. tunay nga na malaking tulong ang teknolohiya sa pandemya na mayroon tayo ngayon. isa ito sa mga dahilan kung bakit nalimitahan ang pagkalat ng virus dahil hindi mo na kailangang pumunta o gumawa ng transaksyon face to face andyan ang iba't-ibang uri ng teknolohiya na pwedeng makatulong sayo.
ReplyDelete